Pahayag ng UP Praxis hinggil kay Jovito Palparan at Paglabag sa Karapatang Pantao
Halos anim taon na ang nakalipas nang idineklarang “missing” ang kapwa natin mga iskolar ng bayan na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan. Sa anim na taong ito, ngayon lang may ginawa ang gobyerno matapos ang mahigit isang taon upang panagutin ang may sala— ang tinaguriang berdugo na si Jovito Palparan.

Si Karen, bilang miyembro ng UP Praxis, ay piniling maglingkod sa masa. Sa kanyang pag- aaral ng sosyolohiya at pagiging miyembro ng pang-masang organisasyon, mulat siya sa mga problemang kinakaharap ng ating lipunan. Kasama si She, alam nila sa kanilang sarili na ang mga teoryang tinatalakay sa loob ng silid-aralan ay marapat lamang na isapraktika sa pamamagitan ng paglubog sa masa. Tulad ng pinaniniwalaan ng UP Praxis, kailangan ipagsama ang teorya at praktika.

Dahil dito, nakikiisa ang UP Praxis sa panawagan na lumabas, sumuko at harapin ni Ret. Maj. Gen. Palparan ang mga kasong isinampa sa kanya kung totoo na wala siyang kasalanan. Hindi lang din ang kaso nila Karen at She ang kanyang dapat harapin, kundi pati ang libu-libong kaso ng mga paglabag sa karapatang pantao, sapilitang pagkawala at pagpaslang na kanyang ginawa sa ilalim ng anti-insuhersibong Oplan Bantay Laya sa panahon ni Arroyo.

Bilang mga Iskolar ng Bayan, hindi tayo dapat magpakulong sa apat na sulok ng silid-aralan, bagkus ay pag-aralan din natin ang lipunan. Responsibilidad natin na makilahok at suriin hindi lang ang isyu ng pamantasan kundi pati na rin ang isyu at problema ng lipunan at tumugon sa panawagan na hulihin at panagutan ng berdugong si Palparan ang kanyang mga kasalanan. Huwag na nating hayaan pa na isa o higit pang kapwa Iskolar ng Bayan ang maging bagong biktima ng sapilitang pagkawala at pagpaslang.

Ilitaw sina Karen at She!
Panagutin ang berdugong si Palparan at iba pang lumabag sa karapatang pantao!
Paglingkuran ang sambayanan!

Photo by: UP Kilos Na

  1. goddessirene reblogged this from gumisingkakabataan
  2. aprilmorningrocks reblogged this from gumisingkakabataan
  3. gumisingkakabataan posted this