ARMANDO
Heto ang isang kadre, si Armando Teng, na hindi naninigarilyo pero nagsusulat. Hindi nasasabak sa mga labanan pero lider. Hindi nauugnay sa ibang babae pero pogi.
Pangunahing kadre si Armando. Naitago sa media kaya hindi kilala. Ibang klaseng kadre, witty at may sense of humor, hindi yung alam nating grim at determined.
Tao si Armando na matatag ang pagtapak sa lupa. Marunong malungkot at magalit. Umibig din at nasaktan. Higit sa lahat, masayahing rebolusyonaryo.
-Jun Cruz Reyes